MAS masarap pala mag wakeboard sa gitna ng dagat. Naranasan ko ito sa kagandahang loob ng mga taga Isla Sta. Rita, particular na ang magasawang Sherwin at Ayie nuong mahal na araw nung nagbakasyon kami sa TK. Buti nalang ibinalita sakin ng isang taga FaceBook na may motorboat na doon (Nad! Dude, tnx man.) Habang palutang lutang ako sa tubig alat sa pagitan ng TK at Del Gallego napagisip isip ko na mas masarap sya kahit mas mahirap kesa sa nakagawian ng iba na cable wakeboarding.

Pero duon sa TK nakalutang ka lang. Hihintayin mo pang mag accelerate ang motorboat at babalansehin mo ang iyong sarili habang unti unti kang uma angat sa tubig. Dapat ay tama ang angulo ng wakeboard sa iyong paanan para pag hatak hindi ka mababaon sa tubig. Hindi dapat gumewang ang tuhod mo o mag iba ang hawak mo sa handle ng lubid.
At habang ikaw ay umiiwas sumemplang, minamatyagan ang bilis at direksyon ng motorboat, sinisipat ang mga pagitan ng mga fishpen na dapat mong layuan pati na ang mga batuhan na malapit sa pampang, bigla mong maiisip…
Walang ganoon sa Camsur o Lago de Oro. Mas masarap ang mga unpredictable challenges ng motorboat wakeboarding sa gitna ng dagat. Kaya ang wakeboarding sa TK? DABEST!
Kaya ano pa hinihintay nyo…
LET'S RIDE!
No comments:
Post a Comment